Thursday, September 06, 2012

Journal 2 : Types of People in a Classroom

1. The Musician

eto yung tipo ng tao na mahilig kumanta sa clase kahit di naman music class. Yung kahit may quiz hala sige tuloy ang birit ng kung ano anong kanta na nais kantahin. Kahit ba na sentonado kana , paos ka na, eh kumakanta parin.

2. Choir

eto yung mga taong grupo kung kumanta kahit ba na may bagyo at lumakas na ang ulan eh tuloy parin ang pagkanta kahti ba na isa lang ang mga talent eh mga feelers pa rin. ano ba naman magagawa eh feel mag concert kahit may naririndi na sa mga boses nila.

3.Foxy Lady / Gent

eto yung taong kung kumilos ay parang run way model, may dating, nakakaakit at may pagka prankster
minsan combination din yan ng The Celebrity.

4. The Celebrity

eto yung taong madami ang nagkakacrush at may talino din na ibubuga at madalas na gamitin ang muhka para sa school. Minsan combi din sila ng Foxy Lady/ Gent

5. Comedian

sila yung laging nagpapasaya sa klase walang pinapalampas basta may matawanan lang at sila din minsan ang pinaka kinaiinisan ng tister yung tipo ng masarap batuhin ng eraser ng black board kasi istorbo sa klase.

6. Story maker

Siya yung tipo na kung anong sasabihin mo ay binabaliktad at kapag nahuli eh magpapalusot ingit din kasi minsan combi yan ng Actress/Actor

7. Actress/Actor
 sila yung laging umaacting para laging na sa limelight at lahat ginagawa para magpapansin. Yung tipong pagnaaagrabyado eh kinukuha ang sympatya ng taong bayan kahit ba na siya ng may kasalanan. combi din yan minsan ng Story maker

8. Painter/ Artist

eto ang talented pagdating sa pagdradrawing na kahit moving object pa ang ginuguhit eh parang kinuha sa camera ang naka sketch. at mapapanganga ka sa sobrang galing kumbaga eh katumbas na sila da vinci sa kahusayan.

9. Encyclopediac

simple lang. ang taong madaming alam sa klase yung tipong simpleng meaning lang ang hinihingi ang ibibigay sayo eh katumbas na ng encyclopedia.

10. Vice Ganda

sila yung kapag nakakabobo ang tanong mo eh pipilosopohin kana o di naman kaya minsan eh talgang badtrip lang sila example

You: umuulan ba?

Them: ay hindi! pinapaliguan lang yung building.

11. Three Stooges

sila yung katumbas ng "tatlong itlog". yung puro kalokohan lang ang nasa isip at kung may maganda naman na naisip eh fail naman dahil sa katangahan.

12. Gossip Girl

yung tipo ng babae na dinaig pa ang E! pagdating sa pagiging updated, yung tipong pati break up ng taga ibang year eh alam din kahit di naman close.

13. Yankee

eto yung makakapal ang muhka. na akala mo pagmamayari ang school pero pagdating naman sa grades eh dinaig pa ng kinder sa talino. lakas lang ang binatbat pagdating sa grades ey naku waley si kuya/ate

14. Einstein

simple lang. sila yung pinaka matalino sa clase na kahit ang tanong mo eh para sa college na eh parang pang preschool lang ang tanong sa kanila. P.S. sila ang maganadang katabi kapag may quiz.

15. Photocopier

sila yung mahilig kumopya kahit kanino pagdating sa homework at quizzes pati nga seatwork di din ginagawa ng magisa laging kopya sa klassmate. tingnan mo na lang ang gualt ni ma'am pagdating sa recitation nga nga!

16. Mother Hen

ang nanay ng clase. laging nag-aalala para sa kabutihan mo pero pag nagalit naku parang nanay rin kaya ingat ka na lang.

17. Crouching Idiot Hidden Genius

pinakasimpleng explanation? google niyo si Shikamaru ng Naruto at yun na yun.

18. The Ghost

eto ang pinaka magaling sa lahat yung tipong bihira mo makita sa buong taon pero sa next school year yung laging absent eh aba! nakapasa si kuya/ate wow ha? ano ginawa mo minulto ang admins para makatungtung sa susunod na baitang?

19. Wallpaper

minsan napapagkamalan na The Ghost kahit hindi naman laging present kaso di lang nararamdaman ng mga classmate pati ang mg a prof. sadyang mahina lang talaga ang presence kaya perfect sila para sa halloween.

20. Groupie

eto yung mga taong lagi mong makikita na magkakasama kahit saan laging nanjan ang buong grupo eh kulang nalang pati sa pagligo at pagbabawas eh magsamasama na rin sila pati kamatayan sabay-sabay na rin.

21.  Normal People

eto yung mga tipo ng tao na pinakanormal sa clase at none of the above pero sila din ang pinakamahirap hanapin dahil sa panahon ngayon weirdness is the new normality

kung sa tingin niyo ay may kulang pa dito eh sabihin niyo lang sa akin at dadagdag ko yung kulang
 

No comments:

Post a Comment